PDRRMC Isabela, Naghahanda na sa Posibleng Pagtama ni ‘Pepito’

Cauayan City, Isabela- Pinaghahandaan na ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ang paparating na tropical depression ‘Pepito’ na posibleng tatama sa Southern portion ng Lalawigan ng Isabela base na rin sa latest forecast track na inilabas ng PAGASA.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ret. Brig. General Jimmy Rivera, PDRRM Officer, nakahanda aniya ang kanyang mga tauhan katuwang ang mga pulis para sa deployment sa mga apektadong lugar lalo na sa mga nasa coastal areas.

Pinapabantayan na rin ang mga overflow bridges sa lalawigan dahil sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig na dulot ng Tropical depression.


Kaugnay nito, nakasailalim na sa Tropical cyclone wind signal no.1 ang buong probinsya ng Isabela kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagligo sa ilog, pangingisda at paglayag sa dagat.

Ipinatupad na rin ang liguor ban sa buong probinsya kung saan mahigpit nang ipinagbabawal ang pagbili at pag-inom ng alak upang mapanatili na ligtas at mapaghandaan ang pagtama ni ‘Pepito’.

Pinapaalalahanan din ang lahat na mag-ingat, maging alerto at para sa mga nasa malapit sa ilog o low lying areas ay lumikas na kung kinakailangan at magtungo sa mga itinalagang evacuation center upang makaiwas sa anumang peligro.

Facebook Comments