Cauayan City, Isabela- Nagdeploy na ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela ng mga rescuers na tutulong sa bawat LGUs na nasa low-lying areas sa probinsya sa posibleng epekto ng bagyong Kiko.
Pinangunahan nina Provincial Administrator Atty. Noel Manuel Lopez at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Jimmy Rivera ang pagpapakalat ng mga rescuers lalo na sa mga lugar sa Lalawigan na apektado ng paparating na bagyo.
Ang mga rescuers na ipinakalat sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan ay tutulong din sa paglilikas sa mga maaapektuhang pamilya.
Kaugnay nito, naghanda na ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng 1,000 packs ng relief goods para sa mga residenteng maaaring maapektuhan ng bagyo.
Facebook Comments