PDRRMO, NANAWAGAN SA PUBLIKO NA IWASAN ANG PAGKAKALAT NG BASURA SA MGA TOURISM SITES

Nanawagan ngayon ang pamunuan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO Pangasinan sa mga bisita at turista na nagtutungo sa mga tourist sites mga dagat na huwag ugaliin ang pagkakalat ng basura dito.
Ayon sa pamunuan ng PDRRMO na kung maaari ay ugaliin na bitbitin ang mga basura o mga plastic waste na ginamit habang nasa lugar at huwag mag iiwan ng bakas ng mga basura dito.
Ipinayo nito na kung maaari ay itapon sa tamang tapunan ang mga ito o magdala ng sariling basurahan pero huwag iiwan sa tabing dagat o kung saan saan.
Mas mainam umano na panatilihing malinis ang mga lugar na binibisita upang sa gayon ay mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng lugar.
Ang panawagan na ito ay mababatid dahil sa marami umano ang nakakaligtaan na magtapon ng mga basura sa tamang tapunan at bitbitin ang kanilang sariling basura. | ifmnews
Facebook Comments