Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, pumanaw na

53

Pumanaw na si Philippine Ambassador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana.

Ito ang inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasabay ng pagpapaabot ng pakikidalamhati sa pagpanaw ng opisyal.

Hindi naman binanggit kung ano ang ikinamatay ng ambassador.


December 7, 2016 nang italaga si Sta. Romana bilang Philippine Ambassador sa China kung saan kinilala ang malalim niyang kaalaman sa kasaysayan ng bansa at ng mga mamamayan nito.

Ayon pa sa DFA, sa ilalim ng termino ni Sta. Romana ay napahusay ang relasyon ng Pilipinas at China sa kabila ng mga pagkakaiba ng dalawang bansa.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang DFA sa Chinese authorities para sa agarang pag-uuwi sa mga labi ng ambassador dito sa Pilipinas.



Facebook Comments