Peace covenant signing, isinasagawa ng NCRPO, MPD at ng Muslim Community sa Maynila

Isinagawa ng mga miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Manila Police District (MPD) at ng muslim community ang dialogue at signing ng peace covenant sa lungsod ng Maynila.

Ito’t may kaugnayan sa selebrasyon ng 27th Police Community Relations na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan.

Pinangunahan ni MPD Director Police Brig. Gen. Leo Francisco ang aktibidad kasama ang ilang mga pinuno ng muslim community.


Layunin ng nasabing programa ang pagkakaroon ng ugnayan ng pulisya at ng Muslim Community para mapigilan ang anumang uri ng masasamang gawain, karahasan at krimen.

Isa rin itong paraan para ipakita ng muslim communty ang kanilang suporta sa mga plano ng Philippine National Police (PNP) para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Nais rin ipakita ng mga kapatid nating Muslim ang kanilang pagbibigay suporta sa lahat ng programa ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Bukod sa dialogue at covenant signing, nagkaloob rin ang NCRPO at MPD ng mga food packs sa ilang mga Muslim na residente ng lungsod ng Maynila.

Facebook Comments