Isinagawa ng Datu Paglas LGU katuwang ang 109th Base Command ng Moro Islamic liberation Front o MILF ang isang peace forum.
Sinabi ni Datu Paglas Mayor Abubakar Paglas na layunin ng naturang aktibidad na magkaisa ang mga mamamayan sa bayan, katuwang ang iba’t ibang sektor para suportahan ang Bangsamoro Basic Law 2017 tungo naman sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa kanilang bayan at sa buong Mindanao.
Hinikayat din ng alkalde ang lahat ng mga kapwa niya magulang na bantayan ng mabuti ang kanilang mga anak upang hindi mahimok na pumasok sa grupo ng mga terorista na nagrerecruit sa kanila.
Marami kasi sa mga miembro ng ISIS-inspired groups ay mga kabataan na nagre-recruit din ng kanilang mga kapwa kabataan para maging mandirigma.
Para kay Mayor Paglas, mahalaga na pag-aralin ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil base sa ginawang case study na pinamagatang “Understanding violent extremism in Mindanao”, marami sa mga kabataan napabilang sa teroristang grupo ay mga mahihirap at walang pinag-aralan na kadalasan ay anak at kamag-anak ng mga mandirigmang rebelde na nasawi dahil sa kaguluhan. ( Amer Sinsuat)
Peace forum isinagawa sa bayan ng Datu Paglas Maguindanao katuwang ang 109th base command ng MILF
Facebook Comments