Peace negotiating panel ng gobyerno sa CPP-NPA-NPF, binuwag na!

Tuluyan nang nilusaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace negotiating panel ng gobyerno sa CPP-NPA-NDF.

Sa ipinadalang sulat ng Office of the President na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, “effective immediately” ang terminasyon ng government peace panel.

Tumatayong chairman ng panel si Labor Secretary Silvestre Bello III.


Inatasan sila ni Pangulong Duterte na agad ibigay sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na pinamumunuan ni Secretary Carlito Galvez Jr. ang lahat ng mga papeles o dokumentong nasa pag-iingat nila.

Pero nilinaw ni Galvez – bubuo ng isang inclusive panel na mangangasiwa ng localized peace engagements.

Ang bagong panel ay ibabase sa Colombia na may kinatawan mula sa iba’t-ibang sectoral groups, Local Government Units at military.

Facebook Comments