PEACE OLYMPICS | NoKor Leader Kim Jong-Un, magpapadala ng mga atleta sa 2018 Winter Olympics

North Korea – Inihayag ni North Korean Leader Kim Jong-Un na handa silang magpadala ng mga delegado sa darating na 2018 Pyeongchang Winter Olympics sa South Korea.

Ito ay sa kabila ng tensyon sa banta ng nuclear missile.

Tinawag naman ng Seoul at organizers bilang “Peace Olmypics” ang hakbang ng NoKor.


Sa ngayon ay nakadepende pa sa sitwasyon ng pulitika at militar sa Korean Peninsula ang pagsali sa north sa mga palakasan sa south, ngunit patuloy na nakaantabay ang Seoul dito.

Facebook Comments