
Nangako ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tutulong sa pamahalaan para ganap na maipatupad ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Sa pulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at MILF Chair Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim, tinalakay ang mga hakbang para mapabilis ang mga programang pangkabuhayan at mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kabilang din sa napag-usapan ang pagkumpleto sa huling yugto ng decommissioning ng mga mandirigma ng MILF sa 2027.
Target ng pamahalaan at MILF na matupad ang mga natitirang obligasyon at malagdaan ang exit agreement bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos.
Facebook Comments










