Peace Rally, Isinagawa sa 2 Bayan sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng ‘Peace Rally’ ang ilang mga residente mula sa bayan ng San Mariano at Benito Soliven sa Lalawigan ng Isabela upang manawagan para sa kapayapaan ng kanilang komunidad.

Nananawagan ang mga residente sa mga nalalabing kasapi ng New People’s Army (NPA) na huwag nang pumasok sa kanilang lugar upang hindi na makapagdulot ng gulo.

Kasabay ng kanilang isinagawang pagtitipon ang kahilingan na wakasan ang 52 taon na paggamit ng NPA sa mga ordinaryong Pilipino para sa kanilang pansarili at pampolitikang interest.


Ang pagsasagawa ng Peace Rally ay kasabay na rin sa selebrasyon ng Communist Party of the Philippines (CPP) para sa kanilang ika-52 taong anibersayo na pagbibigay ng kahirapan at takot sa mga mamamayang Pilipino.

Facebook Comments