Pinapayagan ng batas ang peace rally ng mga mananampalataya mula sa Iglesia Ni Cristo.
Ito ang iginiit ni Senator Imee Marcos sa harap ng isinasagawa ngayong araw na national Rally for Peace ng INC sa Maynila.
Ayon kay Sen. Marcos, hindi taliwas o hindi paglabag sa hiwalay na kapangyarihan ng estado at simbahan ang idinaraos na peace rally.
Katunayan aniya, hinihikayat at pinahihintulutan pa ang ganitong pagtitipon sa ilalim ng free speech clause ng ating Konstitusyon kaya walang nilalabag ang INC.
Layunin naman ng aktibidad ng INC na ipahayag ang kanilang suporta sa posisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi dapat ituloy ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte dahil hindi ito makakabuti sa bansa.
Ilang senador na rin ang nakitang dumalo ngayong hapon sa INC peace rally kabilang si Senate Majority Leader Francis Tolentino at Senator Robin Padilla na kaalyado naman ng Bise sa PDP.