PEACE TALKS | 61 na kongresista, lumagda ng resolusyon para hikayatin si Pangulong Duterte na maibalik ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa NDFP

Manila, Philippines – Lumagda sa isang resolusyon ang 61 kongresista para himukin si Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang peace talks ng gobyerno sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Sa ilalim ng House Resolution 1803, ipinanawagan ng mga kongresista mula sa iba’t ibang partido na kumpletuhin ang comprehensive agreements nito sa social, economic at political reforms.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate – “very encouraging” ang suporta ng mga mambabatas para hikayatin ang administrasyong Duterte na ipagpatuloy ang layon nitong magkaroon ng kapayapaan.


Aniya, hindi ito ang panahon para abandonahin ang peace talk, para na rin sa interes ng buong bansa.

Nobyembre 23, 2017 o dalawang araw bago ang ika-limang round ng peace talks nang lagdaan ng Pangulo ang proclamation no. 360 na nagpapahinto sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at NDFP.

Facebook Comments