TIMBOG | 3 hinihinalang tulak ng iligal na droga, arestado sa Marikina City

49

Marikina City – Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina City Police Station ang tatlong personalidad matapos na magsagawa ng sa bust operation at 9 Atis St. Nangka, Marikina City.

Nakilala ang mga suspek na sina Rene Cachila, 24 anyos; Ricky Cachila, 31 anyos; at Sophia Dumdum, 27 anyos; kapwa residente ng 9 Atis Street Brgy. Nangka, Marikina City.

Naaresto ang tatlo matapos na magpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis at nang iabot na ang 500 mark money sa mga suspek ay agad na dinakma ng mga pulis ang mga suspek kung saan inamin din ni Rene Cachila na suspek siya sa pangho-holdap noon Lunes, March 19 sa Manor hotel sa Pasay at tinutukan nito ng baril si Ramoncito Calilap.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang tatlong mga suspek.

Facebook Comments