Manila, Philippines – Kinukumbinsi ngayon ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang gobyerno at CPP-NPA-NDF peace panels na magkasundo na agad sa tigil putukan para maipagpatuloy na ang naudlot na usaping pangkapayapaan.
Naniniwala si Zarate na mag-uumpisa agad ang resumption sa peace talks kung saan ito naputol noong Nobyembre kung ngayon ay kikilos na para sa joint ceasefire.
Umaasa si Zarate na nagsilbi ding observer sa peace talks na maghaharap muli ang dalawang paig sa negotiating table ng walang hinihinging pre-conditions.
Bagamat natutuwa naman si Anakpawis Rep. Ariel Casilao sa pagkambyo ng Pangulo sa peace talks, duda pa rin siya na itutuloy nga ito ng gobyerno.
Naniniwala si Casilao, baka pinalulutang na naman ng Pangulo ang peace talks dahil isolated na ito sa gitna ng pagkundina ng ibat ibang sektor hanggang sa international community.