Manila, Philippines – Nananatiling bukas ang pintuan ng gobyerno para ipursige ang kapayapaan sa mga komunistang grupo.
Ito ang paglilinaw ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza sa kabila ng mga taliwas na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Dureza, maari pa ring ipagpatuloy ang peace negotiations.
Una rito, sinabi na ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na siya interesado na makipag-usap sa mga rebeldeng grupo matapos sabihin ni Communist Party of the Philippines Founder (CPP) Jose Maria Sison na mapapatalsik siya sa pwesto sa loob lamang ng tatlong taon.
Facebook Comments