Peace talks ng gobyerno at CPPNDF, kasado na bukas

Manila, Philippines – Sisimulan na Bukas (April 2) ang ika-apat na round ng
peacetalks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF sa The Netherlands na
tatagal hanggang sa April 6.

Ayon kay Government Peace Chief Negotiator At Labor Secretary Silvestre
Bello III – kabilang sa mga posibleng matalakay ang hinggil sa
revolutionary tax, comprehensive agreement on socio-economic reform.

Mapag-uusapan din aniya ang isyu sa battle zone na maglilimita sa mga
pwedeng galawan ng militar at NPA para maiwasan ang engkwentro.


Pero duda si Bello na magdedeklara pa rin ng unilateral ceasefire ang
komunistang grupo

Una rito, sinabi ni Bello na hindi magdedeklara ng ceasefire ang gobyerno
sa NPA dahil mas interesado aniya si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda
ng isang bilateral ceasefire agreement.

Facebook Comments