Peace talks ng gobyerno at CPPNDF, tuloy sa kabila ng mga bagong pag-atake ng rebeldeng grupo

Manila, Philippines – Walang balak ang gobyerno na itigilang peace talk nito sa Communist Party of the Philippines.
  Paglilinaw ito ni Presidential Peace Adviser Jesus Durezasa kabila ng mga panawagang ihinto na ang usapang pangkapayapaan at sa halip aymaglunsad ng all-out military offensive laban sa rebeldeng grupo.
  Kasunod ito ng panibago na namang pag-atake ng NewPeople’s Army (NPA) sa Davao City at Quirino Province.
  Bagama’t dismayado sa mga pag-atake ng NPA, sinabi niDureza na tiwala siyang magbubunga pa rin ng maganda ang ginagawang peacenegotiation ng gobyerno sa CPP.
  Samantala, naghahanda na ang government peace panel sailalim ni Labor Sec. Silvestre Bello III para sa ikalimang round ng peacetalksa May 27 hanggang June 1 sa The Netherlands.
 
   
 
   

Facebook Comments