PEACE TALKS | Peace negotiator ng NDFP, inaasahang darating ngayong buwan

Manila, Philippines – Nakatakdang dumating ngayong buwan sa bansa ang mga peace negotiator ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP.

Ayon kay NDPF peace panel chairman Fidel Agcaoili, ito ay kaugnay sa kanilang trabaho bilang miyembro ng NDFP component sa joint monitoring committee, sa ilalim ng comprehensive agreement on respect for human rights and international humanitarian law.

Aniya, makakasama niya sa pagbabalik Pilipinas si Luis Jalandoni, senior adviser ng NDFP negotiating panel.


Sabi pa ni Agcaoili, makikipagpulong rin sila sa bagong Norwegian Ambassador to the Philippines.

Bagaman at maraming schedule, umaasa si Agcaoili na matutuloy ang hiling nilang makapulong si Pangulong Rodrigo Duterte maliban na lamang daw kung ayaw nito o tutulan ito ng militar.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments