Manila, Philippines – Hindi na matutuloy ang 5th round ng formal peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines New People’s Army National Democratic Front sa susunod na buwan.
Ayon kay Peace Process Adviser Secretary Jesus Dureza, walang enabling environment o nararapat na sitwasyon para ituloy ang usapang pangkapayapaan.
Sinabi nito na pagsunod lang ito sa guidance ni Pangulong Rodrigo Duterte nanhindi itutuloy ang usapan hanggang nagpapatuloy ang extortion activity ng mga rebelde.
Pero inamin naman ni Dureza na magkakaroon ng back channeling para maplantsa ang mga importanteng issue para matukoy ang pangangailangan ng peace talks.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments