MANILA – Winakasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pagkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte – inutusan na niya ang government peace panel na bumalik sa Pilipinas.Nanindigan din ang pangulo – na mananatiling kanselado ang peace talks maliban kung mayroong sapat na dahilan na naayon sa interes ng Pilipinas.Ipinapaaresto na rin ni Pangulong Duterte ang mga lider ng mga CPP-NPA-NDF na pinalaya para maging bahagi ng peace talks.Aniya, kung sakaling hindi umuwi ang mga ito sa bansa ay maituturing na silang mga pugante.Nabatid na itutuloy sana ang susunod na peace talks sa the Netherlands sa Pebrero 22 para talakayin ang bilateral ceasefire.Isa ang bilateral ceasefire sa agenda ng mga peace panel para sa muling paggulong ng peace talks sa Oslo, Norway sa Abril.
Peace Talks Sa Pagitan Ng Gobyerno At Cpp-Npa-Ndf, Itinigil Na Ni Pangulong Rodrigo Duterte
Facebook Comments