Manila, Philippines – Isa si Senate President Tito Sotto III sa inimbitahan sa National Security Council meeting na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang alas-kwatro ng hapon.
May impormasyon na tatalakayin sa pulong ang panukalang localized peace talks sa Communist Party Of The Philippine – New People’s Army – National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Pero ayon kay Sotto wala siyang ideya sa agenda ng nabanggit na meeting.
Dahil dito ay kanselado na ang nakatakda sanang meeting ngayong araw ni Senator Sotto kay dating Chief Justice Reynato Puno na siyang pinuno ng consultative commission o Con-Com.
Ang Consultative Committee (Con-Com) ang bumuo ng draft constitution para sa isinusulong na pederalismo.
Facebook Comments