PEACE TALKS | Senator Escudero, patuloy pa ring umaasa

Manila, Philippines – Ikinalungkot ni Senator Francis Chiz Escudero ang posibleng maging bunga ng pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) bilang teroristang grupo.

Ayon kay Escudero, ibig sabihin nito ay maiipit na naman ang iba’t ibang lugar sa ating bansa at sibilyan sa bangayan ng New People’s Army at ng pamahalaan at magpapatuloy pa rin ang patayan ng Pilipino sa kapwa Pilipino.

Sa kabilang nito ay patuloy na umaasa si Escudero na ang kasalukuyang sitwasyon ay pansamantalang hadlang lamang sa usaping pangkapayapaan.


Hindi inaalis ni Escudero na ang hakbang ni Pangulong Duterte ay maaring positioning o negotiation tactic lamang.

Hangad ni Escudero na sa dulo ay magkakaroon pa rin ng usaping pangkapayapaan gaano man kahirap o gaano man kahaba ang daan sa halip na magpatayan ang Pilipino sa kapwa Pilipino.

Facebook Comments