PEACEFUL | Pagsisimula sa paghahain ng COC sa bansa, mapayapa – ayon sa PNP

35

Manila, Philippines – Naging mapayapa ang pagsisimula ng paghahain ng certificate of candidancy sa bansa.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson Police Chief Supt Benigno Durana.

Aniya hanggang sa mga oras na ito ay wala pa silang natatangap na anumang untoward incidents na nakaapekto sa paghahain ng certificate of candidancy.

Pero magpapatuloy aniya ang kanilang pagbabantay hanggang sa October 17 ang pagtatapos ng filing of certificate of candidacy.

Sa ngayon aniya maayos ang pagkakalatag ng kanilang ipinatutupad na seguridad upang matiyak na magiging payapa ang buong panahon ng paghahain ng cerficate of candidacy sa bansa.

Facebook Comments