Pedestrian, Patay Matapos Salpukin ng Truck; 1 Sugatan!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang babae habang isa ang sugatan matapos salpukin ng 10 wheeler truck habang sila’y patawid sa pambansang lansangan sa Brgy Villanueva, San Manuel, Isabela.

Nakilala ang nasawi na si Angelica Bugarin, nasa hustong gulang habang ang sugatan ay si Jennylyn Millang, 22 anyos, grade 8 student na kapwa residente ng Brgy. Villanueva.

Kinilala naman ang suspek at drayber ng Isuzu 10 Wheeler na may plakang NHJ814 na si Cherwin Anolin, 32 anyos, at residente naman ng barangay Madadamian, Echague, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang bumabagtas sa lansangan ang suspek patungong Timog na direksyon at bigla umano itong nawalan ng kontrol sa manibela hanggang sa tuluyang nabangga ang nakaparadang motorsiklo sa gilid ng daan na pagmamay-ari ni Jefferson Alejandrino.

Nadamay rin ang dalawang biktima nang mabangga rin ng truck habang sila’y patawid sa highway.

Agad na naisugod sa ospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival (DOA) si Bugarin.

Facebook Comments