Nagagamit na ng mga komyuter ng MRT-3 ang pedestrian ramp na inilagay sa bahagi ng MRT-3 Shaw Boulevard station Southbound entrance.
Kaugnay ito sa idinulog ni MRT-3 Officer-in-Charge General Manager Asec. Eymard Eje kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa pangangailangan ng paglalagay ng pedestrian ramp sa nasabing walkway, na dati ay elevated kaya’t hirap daanan ng mga pedestrian.
Nilagyan ng MMDA ng concretized ramp ang walkway upang iwas-aksidente sa mga pasahero at sinumang daraan.
Ngayon, mas madali na para sa pedestrian na makadaan sa lugar nang hindi nag-aalala sa kanyang kaligtasan.
Hindi na rin kailangang umikot pa sa kabilang daanan, dahil mas kumbinyente nang dumaan sa nasabing concretized ramp.
Facebook Comments