Pediatric vaccination drive ng Philippine Army, nagpapatuloy

Patuloy ang pagsasagawa ng Philippine Army ng kanilang pediatric vaccination drive para sa mga dependent ng mga sundalo at civilian personnel.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Xerses Trinidad, 80 bata mula 5 hanggang 11 taong gulang ang nakatanggap ng kanilang 1st dose ng bakuna sa huling dalawang araw na bakunahan na isinagawa noong July 14 at 15.

Ito na ang ikatlong round ng pediatric vaccination drive na isinagawa sa Philippine Army General Hospital bilang pagsusulong ng national vaccination program sa mga military dependent.


Samantala, sinabi naman ni AGH Commanding Officer Col. Jonna Dalaguit na ang pagbabakuna sa mga bata ay makatutulong upang maiwasan ang severe COVID-19 infections.

Paalala ni Col. Dalaguit sa mga magulang na agad pabakunahan ang kanilang mga anak lalo pa’t nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments