Pedicab driver, patay matapos pagbabarilin sa Navotas City

Navotas City – Dead-on-the-spot ang isang pedicab driver nang pagbabarilin sa Market 3 Barangay NBBN sa Navotas City.

Batay sa imbestigasyon, nakatambay lang ang biktimang si Reynante PeƱarana sa likod ng Market 3 Navotas fishport nang biglang dumating ang tatlong suspek na nakabonnet at agad itong pinagbabaril.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ng pulisya at pamilya ng biktima ang motibo sa krimen dahil wala naman itong kaaway at hindi rin nauugnay sa iligal na droga.


Agad na tumakas ang tatlong suspek na nakasuot ng bonnet.

Facebook Comments