Pusher, patay sa buy-bust operation ng Malolos PNP

Bulacan – Patay ang isang pusher sa buy-bust operation na isinagawa ng Malolos-PNP sa Barangay Santisima Trinidad sa Malolos, Bulacan.

Ito ay matapos manlaban ang suspek na si Erald Go na sinasabing kasama sa drug watchlist ng nasabing barangay.

Ayon kay Malolos-PNP Chief Supt. Jerel Bruno, isinagawa ang operasyon kasama ang PDEA-region 3, laban sa suspek sa loob ng isang subdivision sa naturang lugar kung saan ito nagtutulak ng droga.


Nang aarestuhin ay nananlaban ang suspek, dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Inaalam pa sa ngayon ng mga pulis kung mayroon pang kasamahan ang napatay na suspek.

Facebook Comments