Pedicab driver, patay sa pamamaril sa lungsod ng Maynila

Manila, Philippines – Dead on the spot ang 33 anyos na pedicab driver na si Ronald Martinez alias Tisoy nang pagbabarilin sa JP Rizal St. corner Simon St. Tondo Maynila.

Batay sa salaysay ng mga residente, apat hanggang limang putok ng baril ang kanilang narinig at nang silipin nila ang lugar, nakita nilang tumatakas ang tatlong lalaking suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Nahagip ng CCTV camera ng barangay ang pagtakas ng mga suspek pero hindi ang aktuwal na pamamaril.


Ayon naman sa ina ng biktima na si Regina Francisco, dating gumagamit ng illegal na droga ang kanyang anak pero matagal nang tumigil.

Wala aniyang kaaway ang biktima at hindi rin nasangkot sa anumang krimen.

Narekober ng SOCO ang isang basyo ng bala ng kalibre .45

Facebook Comments