Pulis, hinuli ng kapwa pulis dahil sa pagpapaputok ng baril sa karaoke bar sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang isang pulis MPD matapos mag-ala rambo dahil sa kalasingan sa isang karaoke bar sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang pulis na si SP02 Ryan Marcelo na nakatalaga sa District Headquarters Support Unit.

Nagsumbong sa MPD ang may-ari ng karaoke bar na si Lolita Reyes dahil sa pagwawala at pagpapaputok ng baril ni Marcelo sanhi para mahintakutan at magtakbuhan ang mga customers.


Nang hindi mapa-kalma ng rumespondeng pulis ang nagwawala na si SP02, dito na siya ginamitan ng tracer gun.

Kalaboso sa General Assignment Section si Marcelo na nakatakdang kasuhan ng alarm and scandal at slight physical injury.

Facebook Comments