Pedicab driver, pinagbabaril sa Novaliches

Novaliches – Hindi pa matukoy kung sugatan ba o patay na ang isang pedicab driver matapos pagbabarilin ng hindi natukoy na mga gunman sa Novaliches Quezon City.

Nakilala lamang ang biktima sa alyas Matso na bagong laya lamang sa kulungan.

Ayon sa mga residente, 6 na putok ng baril ang kanilang narinig habang nakatutok ang baril sa biktima.


Ilang sandali pa habang papatakas na ang mga salarin muli itong nag paputok ng 2 beses.

Agad isinugod sa pinakamalapit na hospital ang biktima.

Facebook Comments