Lalaki, pinagbabaril sa pintuan ng bahay

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa inuupahang bahay sa Tulip St. West Fairview Quezon City alas-dose 30 ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Ronnel Bravo 23 yrs. old isang truck driver.

Ayon kay Liezele kinakasama ng biktima, bumili sila ng gatas at ice cream bago umuwi.


Pagdating ng bahay muling lumabas ang mister dahil tila may napansin na kakaiba sa tapat ng bahay.

Ilan sandali pa sunod-sunod na putok ng baril ang narinig at nakitang nakasubsob si Bravo sa pintuan.

Nakita rin nito ang isang lalaki na pilit itinatakas ang motorsiklo na pagmamay-ari ng biktima.

Ayon naman kay Edwin Gaco kapatid ng biktima hinabol pa nya ang suspek at binato ng bato.

Patuloy na inaalam ang tunay na motibo at kung sino ang nasa likod ng krimen.

Facebook Comments