Pedicab driver sa Maynila, nagsauli ng bag na may P1.2M cash

Screenshot captured from The Capital Report video on Facebook.

Kinilala at binigyan ng gantimpala ang isang matapat na pedicab driver sa Maynila na nagbalik ng P1.26 million cash at mamahaling relo.

Ayon kay Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, lumapit si Benjie Ordanza kay Councilor Darwin Sia para isauli ang napulot na backpack na pagmamay-ari ng isang negosiyanteng Chinese.

“This type of fellow is very rare,” sabi ni Moreno nang ipakilala ang 42-anyos na sidecar driver sa mga mamamahayag, Miyerkules ng hapon.


“Sa hirap ng buhay ng tao, madali mag-asam ng hindi iyo lalo kung walang nakakakita… He could have done other things other than this (returning it). It is literally very rare especially nowadays,” dagdag pa ng alkalde.

Matapos makuha ng dayuhan ang naiwang gamit, pinangaralan at pinagkalooban ng P100,000 pabuya si Ordanza.

Bukod sa pera, inabutan din ng personal jacket ang good samaritan at pinangakuang bibigyan ng permanenteng trabaho sa Manila City Hall.

“Dahil sa kabutihang loob mo, ‘yan ang napapala mo. Maluwag mo silang (pamilya) pakakainin sa hapag, may dignidad sa pamumuhay,” nakangiting pahayag ni Moreno.

Facebook Comments