NA-TRAP | Lolo, patay sa sunog sa Sampalok, Maynila

Sampalok, Maynila – Patay ang isang lolo matapos na ma-trap sa nasusunog niyang bahay sa Loreto Street, Sampalok, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Anastascio Cruz, 77-anyos.

Apat naman ang sugatan kabilang ang bumberong si FO1 John Natividad, fire volunteer na si Richie Catle, Rosemarie Gonda at anak niyang si Mary Ann.


Ayon kay Manila Arson Chief Sr./Insp. Redentor Alumno – alas 10:20 kaninang umaga nang magsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Villota dahil sa paglalaro ng posporo ng isang bata.

Labinlimang bahay ang natupok ng apoy kung saan nasa 30 pamilya ang apektado.

Umabot naman sa P250,000 ang kabuuang pinsala sa sunog.

Alas 11:30 na nang maapula ang apoy.

Facebook Comments