PEKE | Halos kalahating milyong pisong halaga ng mga pekeng gamot, nakumpiska ng NBI sa Plaridel, Bulacan

Bulacan – Nakumpiska ng National Bureau Of Investigation (NBI) ang mga pekeng gamot na tinatayang nagkakalahalaga ng P500,000 sa Plaridel, Bulacan.

Sa ulat, pinasok ng NBI ang isang tahanan sa lugar kung saan 47,000 piraso ng mga pekeng gamot na para sa sakit ng ulo, katawan, ubo, sipon at pagdudumi na ibinebenta sa mababang halaga.

Lumalabas sa pagsusuri na ang mga pekeng gamot ay walang bisa na maaring makasama pa sa kalusugan ng makakainom nito.


Isa namang ahente nito ang naaresto sa lugar matapos pa itong maaktuhan na bitbit ang troller na naglalaman ng mga gamot at ibenebenta sa kanilang mga parokyano.

Facebook Comments