Pekeng anti-rabies vaccine ibinabala ng FDA

Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa health care professionals, local health centers, health institutions at sa publiko laban sa paggamit ng counterfeit anti-rabies vaccine na Verorab.

Ayon sa FDA ang distributor ng mga fake anti-rabies vaccine, base sa reklamo ng Medical City, ay ang Geramil Trading na matatagpuan sa Calumpit, Bulacan at pag-aari ng isang Genesis Bernardo.

Matapos matanggap ng ahensya ang reklamo agad na nagpadala ng team ang FDA sa Medical City at dito nakakuha ang team ng kopya ng transaksyon sa Geramil Trading.


Nang beripikahin ng Sanofi Pasteur ang totoong manufacturer ng Verorab vaccine ang mga gamot dito na natuklasang hindi legit at hindi rin rehistrado ang produkto.

Samantala ayon naman sa Zuellig Pharma, ang registered exclusive distributor ng Verorab sa Pilipinas ang nasabing anti-rabies vaccine na mayroong Lot No. H1833 ay walang Certificate of Product Registration.

Kasunod nito pinapayuhan ng FDA ang lahat ng local government units at law enforcement agencies na tiyaking hindi makalulusot sa merkado ang Verorab anti-rabies vaccine.

Facebook Comments