Pamemeke at pamimirata ang pinaka-sinusumbong na intellectual property violations nitong 2021.
Ayon sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), mula sa 151 reports nitong 2021, nasa 114 ang naitalang counterfeiting complaints.
Kasamihan sa mga napepekeng produkto ay an gang mga sumusunod:
• Apparel (75%)
• Perfume and beauty products – 7%
• pharmaceutical and medical products – 4%
• Assorted items – 4%
Bukod dito, nakatanggap din ng pamimirata ang IP Rights Enforcement Office ng 37 reklamo na kinabibilangan ng:
• General and educational books and e-books – 49%
• Software – 24%
• TV shows and movies – 24%
Talamak na rin ang pamimirata at pamemeke online, kung saan 90% ng reklamo ay mula sa e-commerce sites, social media at iba pang websites.