PEKENG DOKUMENTO | Energy company sa Makati, kinasuhan ng BIR sa DOJ

Manila, Philippines – Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong kriminal sa Department of Justice ang isang energy company sa Makati dahil sa paggamit ng pekeng importer’s clearance certificate.

Paglabag sa section 257 (b) (8) ng National Internal Revenue Code o using falsified or fake provisional BIR Importer’s Clearance Certificate at paglabag sa article 172 (1) ng revised penal code o use of falsified documents ang inihain ng BIR laban sa Mirae Asia Energy Corporation.

Kasama sa mga kinasuhan ng BIR ang mga opisyal ng Mirae na sina Christopher Walter S. Lim, Craig Oliver Marsh at Sung Woo Yang.


Ayon sa BIR, noong 2014 nagsumite ang Mirae sa Bureau of Customs ng provisional BIR ICC para sa importation purposes.

Gayunman, nang suriin ng BIR ang nasabing ICC ay hindi ito tumugma sa database ng inisyung clearance certificate ng kawanihan.

Naniniwala ang BIR na sinadya ng kumpanya na gumamit ng fake ICC para maiwasang magbayad ng tamang buwis.

Facebook Comments