Manila, Philippines – Pinag-iingat ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng mga motorista sa mga nagpapanggap na mga enforcer na nanghihingi ng lagay.
Nabatid na apat na reklamo na ang natatanggap ng MMDA hinggil sa mga pekeng traffic enforcer na nangunguha ng lisensiya at nanghihingi ng pera.
Ayon kay MMDA Acting General Manager Jojo Garcia, hindi pwedeng kuhanin at kumpiskahin ng mga lehitimong MMDA traffic enforcer ang lisensya ng mga motorista.
Mayroon din serial number ang mga ticket na iniisyu ng kanilang mga enforcer sa mga traffic violators.
Kaya ang payo ni Garcia, kung naghihinala ang mga motorista sa pagiging lehitimo ng mga traffic enforcer ay maaari nila itong hingan ng mission order na dapat ay laging dala ng mga MMDA enforcer kung saan magsisilbi itong patunay na sila ay on-duty.