PEKENG PASSPORT | 2 Chinese, hinarang sa NAIA

Manila, Philippines – Dalawang Chinese national ang hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa paggamit ng pekeng passport.

Papunta sana sa London ang mga dayuhang sina Lin Chen Hui at Chen Huajuan sakay ng Philippine Airlines nang mapigilan sila ng mga Immigration Officer.

Ayon kay Immigration Port Operations Chief Red Mariñas, pineke ng dalawa ang kanilang special administrative region passports na gagamitin sana sa pagpasok nila sa UK.


Iniimbestigahan na ng BI kung may kasabwat sila mga tauhan ng NAIA.

Pinag-aaralan na rin ang kasong kriminal na isasampa laban sa kanila.

Facebook Comments