BANTAY-SEGURIDAD | Halos 10-libong pulis, pinakalat sa Metro Manila

Manila, Philippines – Halos sampung libong pulis ang ide-deploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila para magbigay seguridad ngayong holiday season.

Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde – 9,550 na mga pulis ang ipo-poste nila simula December 15 bilang paghahanda na rin sa pagsisimula ng simbang gabi.

Magpapakalat din sila ng mga tauhan sa mga shopping mall, palengke at maging sa mga istasyon ng MRT at LRT.


Wala namang namo-monitor na anumang banta sa seguridad ang NCRPO.

Kasabay nito, hinimok ni Albayalde ang publiko na agad magsumbong sa mga pulis kapag may napansing kahina-hinalang bagay o indibidwal.

Facebook Comments