PEKENG SIGARILYO | Babayarang buwis ng may-ari ng isang warehouse sa QC aabot sa mahigit P100,000,000

Manila, Philippines – Aabot sa mahigit 100 milyong piso ang babayarang buwis ng may-ari ng isang warehouse sa Quezon City na una nang sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa mga pekeng sigarilyo.

Maliban kasi sa kinopya lamang sa orihinal na produkto ang mga ito, peke rin ang mga tax stamps kung saan narekober ng bir team ang nasa 600 kahon ng sigarilyo.

Bagama’t hindi nahuli ang mga may-ari ng bodega, maaari pa rin umano itong kasuhan para mapanagot sa batas.


Dahil dito, nanawagan ang bir na agad makipag-ugnayan sa kanila kung may mga impormasyon hinggil sa mga tao o kompaniya na hindi nagbibigay ng nararapat na buwis sa pamahalaan.

Facebook Comments