NAKATAKDA | NFA, i-aaward sa 5 suppliers ang kontrata para sa importasyon ng kalahating milyong metrikong toneladang bigas

Manila, Philippines – Nakatakdang i-award ng National Food Authority (NFA) sa limang asian suppliers ang kontrata para sa importasyon ng kalahating milyong metrikong toneladang bigas.

Tinukoy ng NFA ang mga supplier na Olam International ng Singapore; Asia Golden Rice at Thai Capital Crops ng Thailand; Shwe Wah Yaung Agriculture Production Company ng Myanmar at Tan Long Group Joint Stock Company ng Vietnam.

Nabatid na naging mas mababa ang bid ng mga supplier kaya’t agad itong naaprubahan ng NFA.


Sa ilalim ng terms of reference, dapat i-deliver ang unang batch o 250,000 metric tons ng bigas bago mag-December 31 at ang nalalabing batch ay dapat dumating bago matapos ang January 31.

Facebook Comments