PEMAT sa Türkiye, nakapagbigay ng atensyong medikal sa higit 300 pasyente

Umabot na sa 353 pasyente ang nabigyan ng atensyong medikal ng Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) sa Adiyaman, Türkiye.

Ayon sa Office of Civil Defense, 97 pasyente ang ginamot ng PEMAT kahapon na pinakamataas na bilang ng pasyente na kanilang tinanggap sa nakalipas na anim na araw na operasyon ng kanilang itinayong field hospital sa bus station ng Adiyaman.

Matatandaang ang PEMAT ang kauna-unahang medical team na nakarating sa Adiyaman kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Türkiye at Syria noong Pebrero 6.


Samantala, naka-standby ngayon ang Urban Search and Rescue team ng Phil. Contingent para sa bagong request for Assistance mula sa Adiyaman Local Emergency Management Agency.

Tapos na kasi ng USAR team ng Pilipinas ang paghalughog sa 36 na gumuhong mga gusali kung saan walang natagpuang survivor at nakarekober ng apat na bangkay at bahagi ng binti ng tao.

Facebook Comments