Isang OFW, nasawi sa aksidente sa Dubai

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nasawi sa Dubai, United Arab Emirates matapos mabundol ng sasakyan habang tumatawid sa kalsada.

 

Kinilala ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Pinay na si Gina Sorianosos, 48 taong gulang.

 

Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, tutulungan pa rin nila ang nasabing OFW kahit na ito ay undocumented.


 

Kabilang sa ibibigay ng OWWA sa pamilya ng OFW ay funeral assistance.

 

Kinumpirma naman ni Ignacio na nakakulong na ang driver na nakabundol sa Pinay matapos itong sumuko sa mga awtoridad sa Dubai.

Facebook Comments