Pemberton, maaari pa ring makabalik ng Pilipinas

Naniniwala ang Department of Justice na maaari pa ring makabalik o makapasok muli sa Pilipinas si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kapag nakalaya na ito at nakabalik ng Amerika.

Ipinaliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ito ay dahil absolute ang iginawad na pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Pemberton.

Nakasaad naman anya sa batas na kaakibat ng pagtanggap ng absolute pardon na tinanggal o binura na ang pananagutang kriminal ng isang akusado at ibinabalik din ang kaniyang civil at political rights at right to travel o malayang makabiyahe lalo na kung wala naman siya sa blacklist ng Bureau of Immigration.


Gayunman, nilinaw ni Guevarra na magiging kwestyunable o magkakaproblema lang sa pagbiyahe si Pemberton sakaling makulong at kung sumailalim o maharap siya sa court martial sa US.

Facebook Comments