Pondo ng ERC sa 2021, pinadadagdagan

Umapela si Iloilo City Rep. Julienne Baronda sa Kamara na dagdagan ang 2021 budget ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Sa ilalim ng proposed 2021 budget ng ERC ay ₱564 million lamang ang inaprubahang budget dito ng Department of Budget and Management (DBM).

Hiniling ni Baronda na taasan pa ang pondo ng ahensya nang sa gayon ay marami pang lugar sa bansa ang mapaganda ang serbisyo at mabigyan ng sapat na suplay ng kuryente.


Nauna dito ay naitanong ni Baronda kay ERC Chairperson Agnes Devanadera ang estado ng kanyang request para sa reclassification ng substation ng Panay Energy Development Corporation (PEDC) bilang transmission asset mula sa generation asset.

Agad namang tinugunan ng ERC ang reclassification ng PEDC line nitong Agosto kung saan maaari itong magamit na ng iba pang power suppliers na magreresulta sa kompetisyon at pagbaba ng singil sa kuryente.

Facebook Comments