Pemberton, nasa blacklist na ng Bureau of Immigration

107

Inilagay na ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang blacklist si
US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton.

Nangangahulugan ito na hindi na siya papayagan na makapasok muli ng Pilipinas.


Ayon kay Immigration Spokesman Atty. Melvin Mabulac, ang pagiging undesirable alien ni Pemberton ang naging basehan kaya siya nilagay sa blacklist ng BI.

Sa ngayon, wala pang malinaw na flight details ng paglabas ng bansa ni Pemberton.

Una nang tiniyak ng BI na magkakaroon ng escort na immigration personnel si Pemberton papasok ng eroplano at mananatili sa aircraft ang escort hangga’t hindi lumilipad ang eroplano.

Sa ngayon, pinoproseso na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang clearance ni Pemberton at iba pang mga dokumento gayundin ang kanyang flight itinerary.




Facebook Comments