DOH, nakapagtala ng mahigit 4,000 bagong COVID-19 cases sa bansa

78

Umaabot na sa 252,964 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos na madagdagan ng 4,040 na bagong kaso.

62,250 naman ang active cases habang ang total recoveries ay 186,606 matapos madagdagan ng 566.

42 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ay pumalo na sa 4,108.

Samantala, patuloy na bumababa ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na nai-infect ng virus.

6 lamang ang bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pinoy sa ibayong dagat.

8 naman ang bagong naka-recover habang walang naitalang bagong binawian ng buhay.




Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 768.

Ang total cases naman ay 10,168 kung saan ang active cases dito ay 2,979.

Ang total recoveries naman ay 6,421.

Facebook Comments