Umaapela ngayon ng tulong ang pamilya ng batikang aktor na si Pen Medina para sa pagpapa-ospital at nakatakdang operasyon nito.
Ibinalita mismo ito ng kanyang anak na si Alex, matapos na mag-post sa kanyang Instagram ng “A Call for Charity for Pen Medina” nitong Sabado.
Kwento ni Alex, tatlong linggo na sa ospital si Pen.
Hindi raw ito makaupo o makatayo dahil sa Degenerative Disc Disease (DDD), isang age-related condition na nangyayari kapag ang isa o higit pang discs sa pagitan ng vertebrae ng spinal column ay nasira na nagreresulta ng labis na pananakit nito.
Nakatakdang sumalang sa major spine surgery ang 71-anyos na aktor sa Martes, July 19.
“Due to the pandemic, our dad scarcely had any work, which siphoned his savings over the past two years. We are trying to help him as best as we can but it will be a long road to sufficient recovery for him,” ani Alex.
“We humbly appeal for your charitable help and prayers as our family navigates through helping him get back on his feet – literally and figuratively,” dagdag niya.
Para sa mga nais mag-donate, maaari itong ipadala sa BPI account ni Kathleen Medina (4539 0752 12) GCash (09778234150) at Unionbank (109423983730).